Pasok ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa mundo na ikinokonsiderang ligtas at may tiwala sa mga awtoridad.
Batay sa 2020 Global Law and Order Survey ng Americal analytics firm na Gallup, kahanay ng Pilipinas, Australia, New Zealand, Poland at Serbia na nasa ika-12 pwesto at mayroong law and order index score na 84.
Sa 144 bansa, kabilang ang Pilipinas sa 40 bansa na nakakuha ng pinakamataas na puntos.
Ang Singapore at Turkmenistan ang itinuturing na ligtas na bansa na may law and order index score na 97, kasunod ang China, Iceland, Kuwait, Norway, Austria, Switzerland, Uzbekistan at United Arab Emirates.
Ang Afghanistan ang pinakakulelat na may puntos na 43, kasama rin sa mga bansa na may pinakamababang grado ay ang Gabon, Venezuela, Liberia, South Africa, Gambia, Uganda, Sierra Leone, Botswana at Mexico.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa halos 175,000 adults sa 144 bansa.