Isinailalim na sa State of Calamity ang buong Pilipinas dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahapon (May 10) ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1143 na nagdedeklara ng State of Calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon.
Nakasaad naman sa Seksyon 2 ng naturang proklamasyon na dapat na magtulong-tulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno para masugpo ang ASF sa bansa.
Sa ngayon, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa -23.2% ang nabawas sa produksyon ng karneng baboy sa bansa.
Facebook Comments