Pilipinas, isusulong ang pagkakaroon ng sariling Code of Conduct sa West Philippine Sea sa pagitan ng ibang mga bansa

Tututukan ng Pilipinas na magkaroon ng sariling Code of Conduct o COC sa ibang mga bansa kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.

Ito ay sa harap na rin ng mabagal na pag-usad ng COC sa pagitan ng China at Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpapatuloy ngayon ang negosasyon sa pagitan ng Vietnam at Malaysia para sa sariling COC dahil wala pa ring resulta ang COC sa China at ASEAN na ilang taon na ring tinatalakay sa ASEAN Summit.


Ito ang dahilan ayon sa pangulo kaya gumawa na ng sariling inisyatibo ang bansa para magkaroon ng resolusyon sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Hangad naman ng pangulo na magtatagumpay ang kanilang hakbang at susuportahan ng iba pang bansa sa Asya dahil ang layunin aniya nito ay mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

Matatandaang hayagan ang ginagawang pambu-bully at pangha-harass ng China Coast Guard sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea sa paniniwalang sila nagmamay-ari ng mga teritoryong na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Facebook Comments