Pilipinas, itinuring na deadliest country sa Asia para sa mga environmental activist

Manila, Philippines – Muli na namang binansagan bilang most-dangerous country ang Pilipinas sa buong Asya at pangatlo sa buong mundo para sa mga environmental activists.
Ayon sa annual report na pinamagatang “Defenders of the Earth” ng London-Based Non-Government Organization na Global Witness, sinabing 2016 ang “Worst Year Ever” para sa mga green advocates dahil sa lumalaganap na activist killings.
Ibatay sa datos, nasa 200 aktibisita ang napapatay sa 24 bansa, mas mataas ng 185 sa 16 mga nasyon noong 2015.
Sa report, napatay ang mga aktibista habang pinoprotektahan ang mga ilog at lupa mula sa pagmimina, pagpuputol ng mga puno, at agricultural companies.
28 mga aktibista ang napatay sa Pilipinas noong 2016. Dahil dito, nanatili pa ring worst in Asia ang bansa sa ika-apat na sunod na taon nito mula 2013.
Umakyat sa ikatlong pwesto worldwide ang Pilipinas na mayroong pinakamaraming bilang ng napapatay na green activists. Sunod ng Colombia na mayroong 37 deaths at Brazil na may 49 green activist deaths.

Facebook Comments