Itinuturing na “most disaster-prone country” ang Pilipinas, dahil sa mataas na panganib at exposure nito sa mga sakuna at kalamidad.
Ayon sa World Risk Index, nanguna ang Pilipinas sa 193 na bansa pagdating sa disaster risk kung saan nakakuha ito ng pinakamataas na index score na 46.82.
Sinundan ito ng India, Indonesia, Colombia, at Mexico habang pasok din sa Top 10 ang Myanmar, Mozambique, China, Bangladesh, at Pakistan.
Ang isinagawang pag-aaral ay nakatutok sa panganib ng mga sakuna bilang resulta ng matinding ng climate change.
Matatandaang noong 2018 ay pangatlo lamang ang Pilipinas sa disaster risk index, habang bumaba naman sa ika-siyam ang bansa noong 2019 at 2020, at umangat sa pang walo noong 2021.
Facebook Comments