Pilipinas, kabilang na sa 10 bansa sa mundo na may pinakamataas na kaso ng Tigdas

Pasok na ang Pilipinas sa top 10 ng World Health Organization (WHO) na may pinakamataas na kaso ng tidgas sa mundo.

Base sa measles rubella update ng W-H-O, mula Hulyo 2018 hanggang Hunyo 2019 ay nakapagtala na ng 45,847 na kaso ng tigdas sa bansa.

Naitala naman ang pinakamataas na kaso ng Tigdas sa Madagascar na nasa halos 151,000 na kaso, pangalawa ang Ukraine na may 84,394 cases.


Sumunod ang mga bansang Nigeria, India, Kazakhstan, Democratic Republic of Congo, Yemen, Myanmar, at Georgia.

Mula January 1 hanggang July 31, 2019, nasa 182 bansa ang nag-ulat sa W-H-O ng kabuoang 364,808 Measles cases.

Ayon sa WHO, patuloy ang mabilis na pagkalat ng Measles outbreak sa iba’t-ibang panig ng daigdig kung saan banta ito sa Milyu-Milyong tao.

Facebook Comments