Pilipinas, kabilang pa rin sa ‘fastest growing economy’ sa Asya

Ipinagmalaki ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pasok pa rin ang Pilipinas sa mga nangungunang bansang may matatag na ekonomiya sa Asya.

Ang 3rd Quarter Economic Growth ng Pilipinas ay nasa 6.2% para mailagay ang bansa sa ikalawang pwesto.

Nangunguna sa listahan ang Vietnam, nasa ikatlong pwesto ang China, habang pang-apat ang India.


Sa unang tatlong quarter ng taon, umabot sa 5.8% ang growth rate ng Pilipinas

Tiniyak ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia, mananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa hanggang sa susunod na taon.

Nananatili ding matatag ang Inflation.

Halos anim na Milyong Pilipino ang naiangat mula sa kahirapan mula 2015 hanggang 2018.

Facebook Comments