Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang miyembro ng United Nations General Assembly na lumagda sa bagong resulosyon na nananawagang i-withdraw na ng Russia ang kanilang tropa sa Ukraine.
Ang resolusyon ay nilagdaan ng isang daan at apatnapu’t isang (141) mga bansa mula sa 193 na miyembro ng UN kasunod ng unang anibersaryo ng Ukraine-Russia war kahapon.
Pito naman ang hindi pumayag na kinabibilangan ng Belarus, North Korea, Eritrea, Mali, Nicaragua, Russia, at Syria habang tatlumput tatlo ang nag-abstain kabilang dito ang China, Pakistan at India.
Sa nasabing resolusyon, nanawagan ang UN sa Russia na agad na i-pull out ang kanilang military forces na nasa teritoryo ng Ukraine upang matigil na ang gyera.
Pero ibinasura ito ng Russia at tinawag ni UN representative Vasily Nebenzya ang Ukraine na isang “neo-Nazi” kung saan isinasakripisyo aniya ng west ang nasabing bansa para matalo ang Russia.
Una nang tiniyak ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na gagawin nila ang lahat upang matalo ang Russia ngayong taon.