Pilipinas, kabilang sa 3 bansa sa mundo na may pinakamataas na kaso ng tigdas nitong 2018

Isa sa tatlong bansa sa mundo ang Pilipinas na may mataas na kaso ng tigdas noong nakaraang taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tumaas ng halos 50% ang kaso ng tigdas sa buong mundo na ikinamatay ng nasa 136,000 katao.

Bukod sa Pilipinas, nangunguna ang Ukraine at Brazil na may mataas na kaso ng tigdas.


Base sa report ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNICEF, umabot 98 bansa ang nakapagtala ng maraming kaso ng tigdas nitong 2018 kumpara noong 2017.

Ayon kay UNICEF Executive Director Henrietta Fore – magsilbi sana itong wake up call sa lahat.

Aniya, may epektibo at abot-kayang bakuna laban sa tigdas na siyang nakakapagligtas ng halos milyung buhay kada taon sa nakalipas na huling dalawang dekada.

Babala ng UNICEF, kapag nagpakampante pa ngayon at hinayaang lumala ito ay ang mga susunod na henerasyon ang magdudusa nito.

Ang tigdas ay mas nakakahawa kumpara sa tuberculosis o ebola.
Nabatid na inilista ng WHO ang “vaccine hesitancy o alinlangan sa pagpapabakuna” sa top 10 most pressing global health threats para sa taong 2019.

Facebook Comments