Napabilang ang Pilipinas sa dalawang bansa sa Asya makikinabang sa panibagong donasyong bakuna kontra COVID-19 mula sa Estados Unidos.
Ayon sa isang opisyal mula sa White House, tinatayang nasa 5,575,050 doses ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa sa susunod na linggo.
Habang iba pa rito ang 2,508,480 doses ng bakuna na darating naman sa Bangladesh.
Pawang bakuna mula sa Pfizer ang mga donasyon na ginawa sa ilalim ng COVAX facility ng World Health Organization (WHO).
Isa ang Bangladesh sa mga bansa sa Asya na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic kung saan 10% ng populasyon pa lamang nito ang fully vaccinated.
Facebook Comments