Manila, Philippines – Kabilang ang Pilipinas sa limang bansa sa mundo na may pinakamaraming insidente ng terrorist attacks.
Batay sa report US State Department, nangyari ang mga pag-atake sa 104 na bansa noong 2016 kung saan 55-percent ng mga ito ay nangyari sa Iraq, Pakistan, India, Afghanistan at Pilipinas.
Pero ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – matagal na itong problema ng bansa kaya noong isang buwan pa lamang sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbabala na ito sa banta ng ISIS.
Hindi ideolohiya ang tanging ugat nito kundi kahirapan.
Una nang sinabi ng pangulo na pinagkukunan din ng pondo ng mga terorista ang ilegal na droga.
Facebook Comments