Pilipinas, kabilang sa mga bansa sa Southeast Asia na maganda ang itinatakbo ng ekonomiya, ayon sa NEDA

Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na maganda ang itinatakbo ng ekonomiya.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, pangalawa ang bansa na nagpapakita na maganda ang takbo ng ekonomiya kung saan naungusan na na ng Pilipinas ang Indonesia at China na may gross domestic product (GDP) na 4%.

Umaasa aniya ang NEDA na lalo pang gaganda ang performance ng GDP ng bansa, ito ay dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya tulad ng pagsisimula ng face-to-face classes at ang pagsusumikap ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang karagdagang 15% ng 78 milyong Pilipino.


Dagdag pa ni Balisacan, malaking tulong din ang pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng dalawang bilyong pisong pondo para sa Special Allotment Release Order (SARO) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Aniya, makakatulong ito sa apat na milyong Pilipino na mahihirap sa cash transfer program ng DSWD.

Tiniyak din na makakatulong sa ekonomiya ng bansa ang fuel subsidy sa mga tsuper, mangingisda at magsasaka.

Aminado naman si Balisacan na malaki ang hamon na kinakaharap ng bansa dahil sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pangunahing bilihin.

Gayunpaman, patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Samantala, umaasa ang NEDA na makakamit ng bansa ang GDP na 7.2% para sa third at fourth quarter para makuha naman ang 7.5% sa taong 2022.

Una nang inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ang bansa ng 7.4% na GDP mula Abril hanggang Hunyo.

Facebook Comments