Pilipinas, kabilang sa sampung bansang target ng Singapore na paglagakan ng negosyo ayon sa DBM

Nagpahayag ng interes ang international business at finance community sa Singapore na magtatayo pa ng negosyo sa Pilipinas.

Ginawa nila ang pahayag sa ginanap na ikalawang Philippine Economic Briefing sa Singapore kahapon.

Sa ulat ng Department of Budget and Management o DBM pinuri ng DBS Group Chief Executive Officer Piyushi Gupta ang Pilipinas dahil sa gumagandang performance ng ekonomiya at inihayag na kabilang ang Pilipinas sa top 10 na bansa na target ng Singapore investors at Singaporeans na paglagakan ng negosyo.


Ilan raw sa mga dahilan sa pagpili sa Pilipinas para sa pag-i-invest ay ang pagkakaroon ng sustainability agenda, digitalization agenda, at paborableng geopolitics ng bansa.

Sa ginawang Philippine Economic Briefing ilan sa mga cabinet secretaries ay nagbigay ng kanilang mga pahayag patungkol sa pangangalakal gaya ni DOF Secretary Benjamin Diokno na nagsabing ngayon ang tamanag panahon para magnegosyo sa Pilipinas.

Facebook Comments