Nananatiling kabilang ang Pilipinas sa listahan ng 10 nangungunang bansa na may mataas na kaso ng online sexual exploitation sa mga bata.
Sa tala ng Department of Justice (DOJ) Office of Cybercrime, nasa 45,645 tip-offs ang kanilang natanggap nitong 2017 kaugnay sa sexual images ng mga batang Pilipino mula sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC).
Ang bilang ay tumaas pa nitong 2018 na aabot na sa 600,000.
Kasabay ng paglulunsad ng saferkidsph sa Australian embassy sa Makati City, sinabi ni Save the Children Executive Officer Albert Muyot – ilang mga magulang pinagkikitaan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng sexual exploitation.
May ilan pang magulang na pinapa-cut ang kanilang mga anak sa klase para ibugaw sa mga kustomer nito.
Magpapatuloy ang online sexual exploitation sa bansa dahil sa ilang kadahilanan, tulad ng kawalan ng kakayahan ng pamilya na punan ang pangangailangan ng kanilang mga anak, ang paniniwalang walang pag-abusong nangyari dahil walang nangyaring physical contact.
Sa pamamagitan ng kanilang programa, ay mapagtitibay ang engagement sa mga bata sa paaralan, magulang at komunidad upang maprotektahan ang mga bata mula sa online sexual abuse.
Ang saferkidsph ay isang six-year program ay layuning mabawasan ang online sexual exploitation sa Pilipinas.