Napasama ang Pilipinas sa top 10 worst countries for working people ng 2022 International Trade Union Confederation Global Rights Index.
Kasunod ito ng naitalang mahigit 50 insidente ng pamamaslang ng labor leaders sa ilalim ng Duterte administration.
Kasama rin sa naturang listahan ang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar at Turkey.
Binanggit din sa report ang 44 empleyado ng isang pabrika noong Disymbre 2021 na nagsagawa ng strike at ang pagbisita ng pulisya sa tanggapan ng Trade Union Congress of the Philippines at NAGKAISA Labour Coalition.
Dahil dito, kinwestiyon ni former Labor Secretary Silvestre Bello III ang naturang report sa International Labor Organization (ILO).
Samantala, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na tututukan niya ang naturang report upang makapagsumite ng sagot sa ILO sa lalong madaling panahon.