Kakailanganin ng Pilipinas ng mga karagdagang manggagawa na susuporta sa consumer population ng bansa.
Ayon kay Commission on Population (POPCOM) Executive Director Undersecretary Juan Antonio Perez III, karagdagang 6 milyong mga mangagagawa ang kailangan ng bansa upang masuportahan ang populasyon ng consumers.
Dagdag pa ni Perez III, batay sa 2022 data ay mayroon lamang 39 milyong manggagawa sa bansa para sa 96 milyong consumers.
Partikular aniya na masusuportahan nito ang populasyon ng mga matatanda at bata.
Nauna nang inihayag ng POPCOM na makikita sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “steady growth” sa working-age population ng Pilipinas na may 15 hanggang 64 age group na bumubuo sa 63.9% ng mga Pilipino.
Facebook Comments