Kailangang makapag-uwi ang Pilipinas ng higit 100 medalya upang manguna ang bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino, maliban sa mga nakasanayang sports na nilalaro sa Sea Games, may opsyon ang Host Countries na magdagdag ng mga bagong palaro, na maituturing na oportunidad para makapag-uwi ng gintong medalya.
Ang mga sports tulad ng Arnis at Dancesport ay nilalaro lamang sa Sea Games kapag ang Pilipinas ang Host Country.
Ang mga dagdag na Sports ngayong taon ay E-Sports at 3×3 Basketball.
Facebook Comments