Ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para makakuha ang bansa ng supply ng bakuna mula sa Pfizer BioNTech.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang tanging magagawa na lamang ay hintayin ang pagdating nito lalo na at nakapagsumite naman ang requirements para dito.
Binigyang diin din ni Nograles na ang vaccination program ng bansa ay hindi lamang nakadepende sa western brands pero bukas sa lahat ng bakuna.
Sa ngayon, wala pang malinaw na petsa kung kailan darating ang 117,000 doses ng Pfizer vaccines mula sa COVAX Facility.
Ang Pilipinas ay nakatanggap pa lamang ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines at 487,200 AstraZeneca shots mula sa COVAX Facility.
Ang pamahalaan ay nakikipagnegosasyon sa Serum Institute of India para sa Novovax vaccines.