Isinulong ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Besas Tutor na parahimihin ang cybersecurity specialists sa Pilipinas at pag-ibayuhin ang pamumuhunan sa ating cybersecurity infrastructure.
Mungkahi ito ni Tutor, sa gitna ng serye ng tangkang pag-atake sa websites ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor.
Sabi ni Tutor, nasa dalawang daan lamang ang sertipikadong cybersecurity experts sa buong Pilipinas at hindi rin sapat ang ating IT infrastructure.
Giit ni Tutor, mainam din na isailalim ang ating cybersecurity specialist sa training and certification program na subsidized ng pamahalaan katuwang ang mga unibersidad, kolehiyo, commission on higher education at TESDA.
Suhestyon din ni Tutor na pahusayin ang ating cybersecurity infrastructure at magkaroon ng mamahaling mga softwares sa pamamagitan ng public-private partnerships at foreign technical assistance mula sa Asian Development Bank, Japan International Cooperation Agency, at World Bank.