Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kailangan ng Pilipinas na magkaroon ng ‘real-time’ access sa intelligence data ng Estados Unidos hinggil sa aktwal na sitwasyon sa West Philippines Sea.
Ito ang pahayag ng kalihim matapos mag-usap sina United States Defense Secretary Lloyd Austin at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at tinalakay ang pananatili ng ilang barko ng China sa Julian Felipe Reef, na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na kailangang magkaroon ng real-time access sa impormasyon ang Pilipinas lalo na sa West Philippines Sea at ang US lamang ang mayroon nito.
Hiling aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng information access o sharing sa Estados Unidos.