Monday, March 16, 2026

Pilipinas, kasama sa 60 bansa na iniimbestigahan ng Amerika sa isyu ng trade at forced labor

Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang ginagawang imbestigasyon ng Amerika laban sa 60 bansa kaugnay sa mga produktong gawa sa forced labor na pumapasok sa kanilang merkado.

Batay sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI), kabilang ang Pilipinas sa mga iniimbestigahan ng United States Trade Representative (USTR).

Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro, handang makipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon upang maipaliwanag ang panig ng bansa.

Layunin nitong matugunan ang mga alalahanin ng Estados Unidos na nagkakaroon ng mas murang gastos sa paggawa kumpara sa mga kumpanya sa kanilang bansa.

Kung mapatunayang may paglabag, maaaring magpatupad ang US ng taripa o iba pang paghihigpit sa pagpasok ng produkto mula sa mga bansang sangkot.

Gayunman, hindi pa tiyak kung magkakaroon ng taripa dahil nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon at nakikipag-usap pa ang US sa 60 bansang kasama sa pagsusuri.

Facebook Comments