Pilipinas, kasama sa ‘blacklist’ tourist sites ng China dahil sa problema sa POGO

Ibinunyag sa joint hearing ng Senate Committee on Ways and Means at Public Order na kabilang na sa ‘blacklist’ ng mga tourist destinations ng China ang Pilipinas dahil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga pakinabang ng bansa sa POGO, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nagkausap aniya sila ni Chinese Ambassador Huang Xilian kung saan natuklasan na kabilang na ang Pilipinas sa “blacklist” ng mga tourist sites ng China.

Ipinagbabawal na aniya ng China ang pagpunta ng kanilang mga turista sa Pilipinas dahil hindi nila alam kung ang mga ito ba ay sasali sa POGO operations at hindi rin tiyak kung ligtas ang kanilang mamamayan na bibisita sa bansa mula sa mga triad at sindikato ng POGO.


Tinukoy ni Zubiri ang malaking pagbagsak sa bilang ng mga Chinese tourist sa bansa kung ikukumpara sa 2 million na mga Chinese travelers noong pre-pandemic.

Dagdag pa ni Zubiri na sinabi sa kanya ni Huang na bagama’t ipinagbabawal ang POGO sa China ay patuloy pa rin silang naapektuhan dahil sa mga operasyon ng POGO sa labas kanilang bansa.

Facebook Comments