Pilipinas, kasama sa ‘countries of concern’ pagdating sa human rights

Kasama ang Pilipinas sa ‘countries of concern’ ng Global Alliance Civicus.

Ito ay kasabay ng 41st Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland.

Ang Civicus ay isang international non-profit organization na tumutulong para pagtibayin ang citizen action at civil society sa iba’t-ibang panig ng mundo.


Bukod sa Pilipinas, kasama rin sa ‘countries of concern’ ay Sudan, Saudi Arabia, Guatemala at Afghanistan.

Ayon sa Civicus – hinihimok nila ang UNHRC na gumagawa ng hakbang sa lumalalang human rights violations sa mga nabanggit na bansa.

Nanawagan din ang organisasyon sa UNHRC na bumuo ng fact-finding mission para i-monitor, beripikahin at i-ulat ang sitwasyon para maiwasan ang pagdanak ng dugo at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod nito.

Facebook Comments