Pilipinas, kasama sa mga bansang mabibigyan ng surplus supply ng COVID-19 vaccines mula sa US

Isinama ng United States Government ang Pilipinas sa mga bansang makakatanggap ng unang batch ng COVID-19 vaccines.

Ito ay kasunod na rin ng pangako ni US President Joe Biden na maglalaan sila ng 80 million mula sa kanilang vaccine surplus para tugunan ang global health crisis.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington D.C. Jose Manuel Romualdez, nakatanggap siya ng tawag mula sa White House patungkol sa desisyon ng Biden administration na isama ang Pilipinas sa mga makakatanggap ng supply ng Moderna at AstraZeneca vaccines.


Ang mga bakuna aniya ay libreng ibibigay ng US Government.

Ang supply ng Moderna vaccines ay inaasahang darating sa bansa sa Hunyo,, habang may bultong supply ng bakuna ng Johnson & Johnson at Pfizer ang darating sa Hulyo o Agosto.

Facebook Comments