Pilipinas, kasamang lumahok sa paggunita ng World Children’s Day ngayong araw

Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas ang pangako nitong patuloy na pangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kabataang Pilipino sa buong bansa.

Kasabay ito ng paggunita ngayong araw ng World Children’s Day na may temang “A Better Future For Every Child.”

Sa tweet ng Department of Foreign Affairs (DFA), inihayag nito ang paglahok ng bansa sa programa kung saan tiniyak ang patuloy na pagpapatupad ng 4 pillars kabilang ang; survival, development, protection at participation rights sa mga kabataan.


Ang paggunita ng World Children’s Day ay unang naipatupad noong 1954 at may bansag din bilang Universal Children’s Day.

Kasabay rin nito ipinagdiriwang ang Declaration of the Rights of the Child na naipatupad noong 1959 at Convention on the Rights of the Child noong 1989.

Facebook Comments