Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pandaigdigang pagkilala na nakamit ng Pilipinas bilang host ng cruise tours.
Sa Seatrade Cruise Asia 2024 sa Parañaque, sinabi ng Pangulo na ipinakikita ng mga pagkilalang ito ang potensyal at hinaharap ng bansa sa pag-unlad bilang isang global cruise hub.
Ayon sa Pangulo, ang mga parangal na nakuha ng Pilipinas bilang Asia’s Best Cruise Destination noong 2023 at bilang Best Port of Call sa Asia Cruise Awards ngayong 2024 ay patunay ng pagpupursige ng Department of Tourism (DOT), Philippine Ports Authority (PPA) at mga lokal na komunidad para maiangat ang Pilipinas bilang isang pangunahing cruise destination na karapat-dapat makilala sa buong mundo.
Pagkakataon din aniya ito para hubugin ang kinabukasan ng cruise tourism sa paraang magdadala ng pangmatagalang benepisyo para sa lahat.
Taong 2023, naging host ang Pilipinas ng 125 cruise calls sa mahigit 30 destinasyon habang sa kasalukuyan ay may 109 na naka-schedule na cruise calls para sa 2024, at may mga nakatakdang iskedyul na rin hanggang 2027.