Pilipinas, kinokonsidera na rin ang pagpapadala ng tulong at rescue teams sa Syria

Nagpapasaklolo na rin ang gobyerno ng Syria sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) matapos itong tamaan ng magnitude 7.8 na lindol kahalintulad ng Turkiye.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson at Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, agad nilang kinonsulta sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing apela ng Syria.


Sa ngayon, naghihintay na lamang sila ng magiging rekumendasyon ng DFA hinggil dito.

Gayunman, sinabi ni Alejandro na tulad ng pagpapadala ng disaster response teams sa Türkiye, ikinukonsidera na rin nila ang pagpapadala ng isa pang lupon sa Syria alinsunod sa magiging pasya ng DFA.

Sa ngayon, nasa Adana, South Istanbul Türkiye na ang Inter-Agency Contingent ng Pilipinas para tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Facebook Comments