Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang umanoy terrorist attack sa Barcelona Spain.
Nabatid na 13 ang naitalang patay at mahigit 100 naman ang sugatan matapos araruhin ng isang sasakyan ang mataong lugar sa nasabing lungsod.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiisa ang Pilipinas sa international community sa pagkondena sa nasabing maduong pagatake.
Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang palasyo sa mga biktima ng mga umanoy terorista.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang ginagawang monitoring ng embahada ng Pilipinas sa Madrid at Honorary Consulate sa Barcelona at nakikipagugnayan din aniya ang mga ito sa Filipino Community sa Spain.
Inihayag din naman ng Malacanang na nagpaabot na ng pakikiramay ang Pilipinas sa Spanish Government sa pamamagitan ng embahada ng bansa sa Madrid.