Pilipinas, kukuha ng milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers – Galvez

Nakatakdang um-order ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang manufacturers.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., may paparating na 25 million doses ng Sinovac sa bansa at nagpapatuloy ang payment at delivery.

Nasa 17 million doses ng AstraZeneca ang ipapadala sa Mayo.


Aabot naman sa 15 million doses ng Moderna ang in-order ng pamalaaan kung saan napirmahan na ang supply agreement para rito.

Pirmado na rin ang supply agreement para sa 30 million doses ng Novavax.

Nakatakdang lagdaan ngayong linggo ang supply agreement para sa 5 million doses ng Johnson & Johnson.

Nagpapatuloy ang negosasyon para sa 15 million doses ng Sputnik V ng Russia at 25 million doses ng Pfizer vaccines.

Facebook Comments