Pilipinas, kulelat ulit sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg

Sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na limang buwan, muling nangulelat ang Pilipinas sa COVID-19 resilience ranking ng Bloomberg.

Nakakuha ang Pilipinas ng resiliency score na 48.3 ngayong Enero na mas mababa sa 52 points noong Disyembre kung kailangan bahagyang tumaas ang Pilipinas sa 50th spot mula sa 53 mga bansa.

Binanggit ng Bloomberg ang mga hamong kinaharap ng bansa sa pagbabakuna sa malalayong lugar sa gitna ng pagkalat ng mas nakahahawang Omicron variant.


Samantala, sa ikalawang pagkakataon ay nanguna ang United Arab Emirates sa pagtugon sa global health crisis matapos na makakuha ng score na 78.9.

Facebook Comments