Pilipinas, lalagda na sa supply agreement bukas sa India

Nakatakdang lumagda ang Pilipinas sa supply agreement sa Novavax para sa 30 million doses ng anti-COVID-19 vaccines.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kabilang ito sa isa sa mga supply agreement na nilalakad ng Pilipinas para sa mas marami pang COVID-19 vaccines supply ang bansa.

Sinabi ni Roque na ngayong araw tutulak sa India si National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., para dito.


Binanggit din ng kalihim ang nalagdaang supply agreement sa Moderna na nasa 13 million doses ng bakuna ang makukuha ng Pilipinas, at hiwalay na 7 milyong doses para sa private sector.

Ang supply agreement naman sa Johnson&Johnson ay patuloy pang pinaplantsa.

Habang una na ring nalagdaan ang purchase order para sa 1 milyong doses ng Sinovac vaccines.

Facebook Comments