Pilipinas, lalahok sa Asia Cooperation Dialogue summit sa Qatar

Lalahok ang Pilipinas sa 3rd Asia Cooperation Dialogue Summit sa Qatar.

Bagama’t hindi makakadalo ng personal, ay magpapadala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kinatawan ng bansa sa summit.

Ayon sa pangulo, nananatiling committed ang bansa sa global cooperation.


Ang paglahok ng Pilipinas ay kasunod ng imbitasyon ni Qatari Ambassador Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-homidi matapos itong bumisita sa Malacañang.

Sa kanilang pag-uusap, nagkasundo rin ang pangulo at ang Qatari envoy na palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Qatar.

Facebook Comments