Nakatakdang lumahok ang Pilipinas sa taunang Global Peace Summit na idaraos sa Switzerland ngayong buwan, sa harap ng pagsusulong ng mapayapang pagresolba sa Russia-Ukraine war.
Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, ang Global Peace Summit ay gaganapin sa darating June 15 hanggang 16 na gagawin sa Switzerland.
Napag-usapan din aniya nila ni Pangulong Marcos sa bilateral meeting kaninang umaga ang kahalagahan na magkaroon ng kinatawan ang Southeast Asian countries sa naturang peace summit.
Kinumpirma na rin ng Palasyo ng Malacañang ang paglahok ng Pilipinas sa summit ngunit isinasapinal pa ang iba pang detalye hinggil dito.
Facebook Comments