Pilipinas, ligtas pa rin sa bird flu

Nananatiling ligtas ang Pilipinas laban sa Avian Influenza o mas kilala sa tawag na bird flu.

Kasalukuyan itong naitatala sa ilang karatig na bansa gaya ng China.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), bagama’t wala pang naitatalang kaso ng bird flu sa bansa ay pinaalalahanan ang mga may ari ng mga manukan at iba pang mga ibon, na ipatupad ang Good Animal Husbandry Practices (GAHP) at iba pang biosecurity measures.


Habang hinimok rin ang mga poultry owner, na pabakunahan ang mga alagang ibon laban sa mga peste ng mga manok.

Pinaalalahan rin ang mga ito na agad na makipag-ugnayan sa ahensya, kung magkakaroon ng hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng mga ibon.

Facebook Comments