MANILA – Inalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa banta ng tsunami matapos ang pagyanig ng 7.9 magnitude na lindol sa Indonesia.Kagabi ay itinaas ang tsunami alert sa Aceh, West at North Sumatra matapos maitala ng U.S. Geological Survey ang epicenter ng lindol sa layong 808 kilometro timog-kanluran ng Padang na may lalim na 10 kilometro.Naramdaman rin ang pagyanig sa ilang bahagi ng Singapore, tulad na lang sa East Coast, Bishan, Ang Mo Kio at Sengkang.Pero ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, Jr., walang epekto ang nangyaring lindol sa Pilipinas dahil malayo ito sa Sumatran Trench.Sa pagtataya ng Phivolcs, wala talagang mangyayaring tsunami kahit nag-isyu ang Indonesia ng tsunami alert kagabi kung saan binawi rin ito matapos ang halos isang oras bilang bahagi ng Standard Operating Procedure.Pero sakaling magkaroon ng tsunami sa Indian Ocean, hindi rin ito makakarating sa Pilipinas dahil nakaharang ang mga isla ng Java, Sumatra, Borneo at iba pang mga isla ng Indonesia gayundin ang isla ng Malay Peninsula.
Pilipinas, Ligtas Sa Banta Ng Tsumani Sa Indian Ocean
Facebook Comments