Kinumpirma ng Dept of Foreign Affairs (DFA) na sumama na rin ang Pilipinas sa 52 mga bansa na sumusuporta sa panawagan ng United Nations na global ceasefire o pandaigdigang tigil-putukan sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa UN, kailangang isantabi ng buong mundo ang armed conflict at magtulungan para isalba ang mga buhay sa harap ng krisis.
Dapat anilang pagtuunan ng pansin ang pagsalba laban sa kumakalat na virus, sa mga kababaihan, mga bata, mga sibilyan, mga nakatatanda at mga detainees na naiipit ngayon sa giyera sa iba’t ibang mga bansa
Ang 53 mga bansa kabilang na ang Pilipinas ay sumusuporta sa World Health Organization, UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs at UNICEF sa pagsusumikap nito na mailikas at mailayo sa kumakalat na virus ang mga sibilyan na naiipit sa giyera mula sa mga bansa na may armed conflict