Lumilikha ang Pilipinas ng 61,000 metriko tonelada ng basura kada araw.
Ito ang inihayag ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga sa press briefing sa Malacañang.
Paliwanag ng kalihim, 20% sa mga basurang ito ay mga plastic waste ibig sabihin aniya gumagamit ang mga Pilipino ng mahigit 160 milyong sachet packets at 40 milyong shopping bags at thin film bags kada araw.
Ayon sa kalihim, sinisikap ng DENR na lahat ng plastic na ito ay hindi mapupunta sa marine areas at mga coastal areas ng Pilipinas.
Mahalaga rin ayon kay Loyzaga na iprayoridad ang pagsasagawa ng reprocessed at repurposed plastic na ita- transform kasi aniya ito sa economic value.
Batay aniya sa pagaaral ng World Bank, 70% material value ang nalilikha mula sa plastic waste na kumikita ng 790 hanggang 890 milyong dolyar kada taon.