
Ayon kay Manila Third District Rep. Joel Chua, maaaring humanap ang Pilipinas ng foreign aid mula sa mga bansang kabilang sa European Union, Middle East gayundin sa Japan, South Korea, at Australia.
Pero giit ni Chua, para sa ating pambansang interes ay hindi natin dapat ikonsidera ang paghingi o pagtanggap ng tulong mula sa Russia.
Pinaalala ni Chua ang pagtanggap ng dating administrasyon ng tulong mula sa Russia na naging unproductive at deeply misguided.
Mas mainam ayon kay Chua na hintayin natin ang pagkakataon na ihinto muna ng Russia ang giyera nito sa Ukraine at isulong ang kapayapaan.
Ang pahayag ni Chua ay sa harap ng paghinto ng Amerika sa mga US aid programs nito sa ilalim ng liderato ni US President Donald Trump.
Kaugnay nito ay iminungkahi ni Chua na ating pag-igtingin ang paghikayat ng dayuhang turista at mamumuhunan, kasama na ang mga US national na maaring ituring ang ating bansa bilang kanilang second home.