Ipinagtanggol ng security expert na si Prof. Rommel Banlaoi ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea sa kanyang ika-limang State of the Nation Address.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ng Pangulo na isa siyang “inutile” at wala siyang magawa laban sa pagiging agresibo ng China sa pag-angkin nito sa South China Sea.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Banlao na dismayado ang Pangulong Duterte dahil sa kabila ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China ay patuloy pa rin ang agresibong aktibidad nila sa West Philippine Sea.
Ipinaliwag ni Banlaoi na kaya nasabi ng pangulo na siya ay isang inutile dahil wala siyang maggawa kundi lumapit sa Amerika na una na niyang binatikos.
Kasabay nito, sinabi ni Banlaoi na bukod sa Amerika, maari ring humingi ng tulong ang Pilipinas sa mga kalapit nitong bansa sa Southeast Asia upang magkaroon ng kakampi sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.