Pilipinas, maaaring matulad sa India at Indonesia kung hindi ipapatupad ang ECQ

Nagbabala si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na posibleng matulad sa India o Indonesia ang Pilipinas kung hindi ipapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng pagtaas na rin ng Delta variant.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, binanggit ni Marikina Rep. Stella Quimbo kay Galvez na ang Pilipinas ang isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinaka-mahabang ECQ pero hindi nagpa-flatten ang curve o bumababa ang mga kaso.

Dagdag pa nito, apektado ang ekonomiya ng bansa nang dahil sa mga paghihigpit, lalo’t nasa P15 billion kada araw ang nawawala sa bansa dahil sa ECQ.


Aminado si Galvez na “painful decision” ang ECQ, subalit kailangan aniya ito upang mapigilan ang pagdami pa ng Delta variant.

Babala pa ni Galvez, kung hindi gagawin ang ECQ at hindi pipigilan ang transmission ng Delta ay malabong makabangon ang bansa sa fourth quarter ng taon.

Sa panig naman ni Health Sec. Francisco Duque III, layon ng ECQ sa NCR na mapabagal ang posibleng pagkalat pa ng Delta variant ng COVID-19 at mapalakas ang bakunahan kontra sa sakit.

Facebook Comments