Mapipilitan ang pamahalaan na mag-angkat ng baboy kapag hindi sapat ang local supply para mapatatag ang retail prices.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itinaas na ng Department of Agriculture ang shipment ng mga baboy mula sa Visayas at Mindanao patungong Luzon para mapababa ang presyo sa mga talipapa at palengke.
Pero sinabi ni Roque na ang pag-aangkat ng pork products ay magiging huling opsyon lamang ng pamahalaan.
“Kung kulang pa ‘yan ay mapipilitan tayo na mag-angkat galing sa ibang bansa,” ani Roque.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ire-review ng pamahalaan ang expansion ng minimum access volume (MAV) sa pork supplies.
“As for the projections of pork supplies for this year, the DA estimates that with a demand of 1,618,355 metric tons and the projections of the 2021 supplies we will need to begin the process of reviewing the MAV,” sabi ni Nograles.
Tinatayang aabot sa 400,000 metric tons ng pork ang naitalang deficit ng Pilipinas.