Pilipinas, mag-aangkat ng mas maraming bigas ngayong taon – USDA

Inaasahang mag-aangkat ng mas maraming bigas ang Pilipinas ngayong taon.

Batay sa projection ng United States Department of Agriculture (USDA), mag-iimport ang bansa ng 3.9 million metric tons ng bigas na mas mataas kumpara sa nauna nitong pagtaya na 3.8 million MT noong Enero.

Nakikitang dahilan dito ng USDA ang “strong recent purchases” ng bansa sa Vietnam.


Kamakailan lamang nang maselyuhan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam kung saan pumayag ang Vietnam na magsuplay ng 1.5 hanggang 2 million MT na bigas sa bansa hanggang 2029.

Dahil din dito, posibleng palitan ng Pilipinas ang China bilang world’s top importer ng bigas.

Sabi naman ni Department of Agriculture (DA) Asec. Arnel De Mesa, maaaring rason ng posibleng pagtaas ng importasyon ng bigas ang epekto ng El Niño.

Una nang tiniyak ng DA na sapat ang supply ng bigas sa bansa hanggang Hunyo.

Facebook Comments