Pilipinas, magde-deploy ng mas maraming OFWs ngayong taon

Target ng Department of Migrant Workers (DMW) na taasan ang bilang ng deployment ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong 2023.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, sa katunayan ay may imbitasyon ng bilateral talks ang Romania, Hungary at Portugal para sa deployment ng Filipino workers.

Pinag-aaralan din aniya nila ang posibilidad na pag-deploy ng caregivers sa Hong Kong.


Nagkaroon na rin sila ng pag-uusap ng Hong Kong labor officials hinggil dito.

Pinag-iingat naman ni Ople ang OFWs sa mga naglilipanang illegal recruiter.

Partikular ang mga nag-aalok ng trabaho patungong Myanmar, Cambodia at Laos.

Facebook Comments