Magdodonate na ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.
Ito ang inihayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa kung saan sa ngayon ay tumatanggi na rin umano ang Pilipinas sa mga donasyong bakuna.
Paliwanag ni Herbosa, wala na tayong problema ngayon sa supply ng bakuna at nais naman ng gobyerno na mag-donate ng mga sobra sa iba pang bansa sa Southeast Asia.
Samantala, nagsagawa na ng vaccine information drive sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga opisyal ng NTF upang ipaalam ang kahalagahan ng mga bakuna.
Napag-alaman na hanggang sa ngayon kasi ay marami pa sa kanila ang ayaw magpabakuna dahil sa kanilang mga paniwniala.
Sa pinakahuling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa higit 63.8 milyon na Pilipino na ang fully vaccinated habang 10.4 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.