Pilipinas magiging country coordinator ng China sa East ASEAN Growth Area

Tatayo ang Pilipinas bilang country coordinator ng China para sa East ASEAN Countries partikular sa Brunei, Indonesia, Malaysia para sa Belt and Road Initiative o BRI ng China.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ito ang sinabi ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap nilang bilateral meeting kahapon.

Sinabi aniya ni President Xi na malaki ang magiging papel ng BRI sa ASEAN-China relations kung saan ang Pilipinas ang country coordinator sa EAST ASEAN Growth Area sa pamamagitan ng mas pinalakas na pag-uugnayan.


Tiniyak din aniya ni President Xi na magpapatuloy ang donasyon ng China ng bigas sa Pilipinas, fingerlings at mag-i-import sila ng mga prutas mula sa Pilipinas.

Nag-commit din aniya si President Xi na magbibigay ng 1 billion yuan grant para sa Pilipinas.

Binigyang diin din naman ni Panelo na itinuturing ng Pilipinas na isang magandang oportunidad ang BRI para pagtibayin pa ang relasyon ng Pilipinas at ng China na dapat na ipagpatuloy ng pamahalaan.

Facebook Comments