
Nakakahiya sa buong mundo kung parehong ma-i-impeach ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa.
Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III sakaling ma-impeach ng Kamara sina Pangulong Bongbong Marcos at si Vice President Sara Duterte, na nakakahiya sa buong mundo dahil pinaguusapan na tayo.
Kamakailan lang ay sinampahan na sa Kamara ng impeachment complaint si PBBM habang su VP Sara ay inaasahang hahainan ng impeachment complaint sa darating na Pebrero.
Sakali mang makalusot ang dalawang impeachment case ay tiniyak ni Sotto na paghahandaan ito ng Senado.
Dagdag pa ni Sotto, kung matuloy man na sabay na iaakyat sa mataas na kapulungan ang dalawang impeachment ay magtatakda sila ng schedule sa paglilitis upang hindi naman nila mapabayaan ang kanilang legislative work.










