Pilipinas, magiging maingat sa pagtatakda ng joint military exercises sa pagitan ng Australia dahil sa tumataas na tensyon sa WPS ayon kay PBBM

Nakadepende sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) kung kailan magtatakda ng joint military exercises ang Pilipinas at Australia.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat mabantayan kung tumataas o bumababa ang tensiyon sa pinag-aagawang mga teritoryo dahil kailangan maging maingat ng bansa sa pagtatakda ng schedule ng balikatan.

Nabatid na nangako ang Australia na gagawin ang joint military exercises, isang beses sa kada dalawang taon.


Pero sinabi ng pangulo na bukas naman aniya siya sa posibilidad na gawin ito kada taon.

Makikinabang daw kasi ang Pilipinas sa joint military drill hindi lamang sa aspeto ng depensa at seguridad kundi pati na rin sa kahandaan at pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Marami aniyang magiging benepisyo para sa Pilipinas ang joint military exercises sa Australia kaya dapat na magpatuloy ito.

Facebook Comments