Pilipinas, magkakaroon nang kauna-unahang internet satellites na tatawaging Agila

Nakipagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas sa Astranis and Orbits Corporations para tumulong sa paglulunsad ng kauna- unahang internet satellites sa Pilipinas.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kasunduang ito sa Rits – Carlton Hotel sa San Francisco, California, na sidelines sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon sa pangulo makakatulong ang 400 milyong dolyar na partnership na ito para sa mas pagpapaganda ng internet connectivity kahit sa mga liblib na lugar sa Pilipinas.


Sa pagsasagawa nito asahan ayon sa pangulo na makakapag-generate ang Pilipinas ng 400 milyong dolyar na invesment sa loob ng susunod na walong taon.

Ang satellites ay makakapagbigay kasi ng internet service sa mga malalayo at liblib na lugar sa Pilipinas na mayroong 10 million users na nakatira sa 30,000 barangays.

Makaka-generate rin ng 10,000 na trabaho para sa direct at indirect employees at partners ang pagkakaroon ng internet satellites sa bansa.

Pinili ang pangalang Agila para maipakita ang commitment ng mga Pilipino sa paghangad ng access sa digital world.

Facebook Comments