Pilipinas, magpapadala ng higit 300 Filipino teachers sa China – DOLE

Higit 300 Pilipinong guro ang ipapadala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa China sa pamamagitan ng chartered flight.

Ayon kay DOLE International Labor Affairs Bureau (ILAB) Director Alice Visperas, umaasa silang maipapadala na nila ang mga guro sa Guangzhou ngayong buwan para maipagpatuloy na nila ang kanilang mga trabaho.

Nakikipag-ugnayan na si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Philippine Airlines para i-schedule ang chartered flight para sa mga Filipino teachers.


Sinabi ni Visperas na maraming returning overseas workers ay nagbakasyon lamang o natapos ang kanilang kontrata.

Sa datos ng DOLE, higit 260,000 OFWs ang na-repatriate at nasa 100,000 ang kailangang pauwiin sa bansa.

Nasa higit 300,000 OFWs ang nabigyan na ng financial assistance sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.

Facebook Comments