Magsisimula na rin ang Department of Science and Technology (DOST) ng sarili nitong pag-aaral para sa posibleng paghahalo ng magkakaibang brand ng bakuna laban sa COVID-19.
Bukod pa ito sa posibleng pagkakaroon ng booster shots o dagdag na bakuna maliban sa orihinal na dose.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire , ito ay sa gitna na rin ng mga naunang pag-aaral na ginagawa sa Estados Unidos at United Kingdom.
Sa kabila nito, nagbabala si Vergeire sa publiko laban sa pagsubok sa dagdag na bakuna laban sa COVID -19 bukod sa orihinal na doses.
Hindi pa aniya alam kung ano ang epekto nito sa katawan dahil sa hindi pa sapat ang mga pag-aaral.
Facebook Comments